 | hate.day | Apr 7, '08 10:16 PM for everyone |
I hate Mondays.
May something sa Monday na parang ayaw na ayaw ko. Hindi ko alam kung ano. Pero Sunday pa lang gabi, parang hindi na ko mapakali at nalulungkot na ko dahil alam kong Monday na kinabukasan. Siguro dahil start ng workweek; stress; ewan. Basta ayoko ng Monday. Parang hindi lagi maganda yung pasok ng araw.
Masyadong madaming tao pag Monday.
Masyadong mainit pag Monday.
Walang masakyan pag Monday
Traffic pag Monday.
Ang daming tawag pag Monday.
Para bang nakatatak na sa isip ng tao na kung may gusto siyang gawin, gagawin niya yun pag Monday. E madaming taong ganun mag-isip. Kaya lahat ng tao nadyadyahe pag Monday.
Ewan ko kung ako lang nakakapansin, pero parang hirap na hirap akong bumangon pag Monday. Pag kinumpara ko yun sa pagbangon ko ng tuesday o wednesday, tamad na tamad talaga ko pag Monday. Parang simula na naman ng mahabang linggo, ng kalbaryo. Hindi talaga nakakatuwa.
Monday pa lang. Yan ang iniisip ko. Apat na araw pa. Haaaaay.
Buti na lang Tuesday na.
| |
|